Wednesday, July 17, 2024

Ang Mabuting Balita Hulyo 18 Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 11:28-30


Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at; nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko.  

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo."

No comments: