Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa
Labing-isa at sinabi sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan at
ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan
ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan.
Ang
mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa
pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika;
sila'y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga
may sakit na mapatungan ng kanilang kamay."
Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.
No comments:
Post a Comment