Friday, May 3, 2024

Ang Mabuting Balita, Mayo 4 Sabado sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 15:18-21


Mabuting Balita: Juan 15:18-21
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo. Kung kayo nga'y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito'y napopoot sa inyo.  

Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo; kung tinupad nila ang aking salita tutuparin din nila ang salita ninyo. Ngunit ang lahat ng ito'y gagawin nila sa inyo dahil sa akin, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin."

No comments: