Noong panahong iyon, lumingon si
Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Jesus - yaong
humilig sa dibdib ni Jesus nang sila'y naghahapunan at nagtanong,
"Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?" Nang makita siya ni
Pedro, tinanong nito si Jesus, "Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa
taong ito?"
Sumagot si Jesus, "Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa
pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!" Kumalat sa mga kapatid ang
balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagama't hindi sinabi ni Jesus na
hindi siya mamamatay, kundi, "Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa
pagbabalik ko, ano sa iyo?"
Ito
nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat
ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo. At marami pang ginawa si
Jesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong
daigdig ang mga aklat na masusulat.
No comments:
Post a Comment