Thursday, May 2, 2024

Ang Mabuting Balita Biyernes Mayo 3 San Felipe at Santiago, mga apostol (Kapistahan): Juan 14:6-14


Mabuting Balita: Juan 14:6-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Juan, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita."

Sinabi sa kanya ni Felipe, "Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami." Sumagot si Jesus, "Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. 

Bakit mo sinasabing: 'Ipakita mo sa akin ang Ama?' Hindi ka ba naniniwalang ako'y sumasa-Ama at ang Ama'y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako'y sumasa-Ama at ang Ama'y sumasaakin. 

Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko."

No comments: