Tumatakas siya palibhasa'y upahan lamang at walang malasakit sa tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko, gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo'y magiging isa ang kawan at isa ang pastol. "Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay, upang ito'y kunin kong muli.
Walang makakukuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama.
No comments:
Post a Comment