Monday, April 15, 2024

Ang Mabuting Balita Martes Abril 16, Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:30-35


Mabuting Balita: Juan 6:30-35
Noong panahong iyon, sinabi ng mga tao kay Hesus:"Ano pong kababalaghan ang maipakikita ninyo upang manalig kami sa inyo ? Ano po ang gagawin ninyo?" tanong nila. "Ang aming magulang ay kumain ng manna sa ilang, ayon sa nasusulat, 'Sila'y binigyan niya ng pagkaing mula sa langit,'" dugtong pa nila.

Sumagot si Jesus, "Dapat ninyong malamang hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng pagkaing mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit. Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan."

"Ginoo," wika nila, "bigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon." "Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay," sabi ni Jesus. "Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman."

No comments: