Sinabi sa kanya ni Felipe, "Panginoon, ipakita po ninyo sa
amin ang Ama, at masisiyahan na kami." Sumagot si Jesus, "Matagal na
ninyo akong kasama, Felipe! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita
sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ; 'Ipakita mo sa amin ang
Ama'? Hindi ka ba naniniwalang ako'y sumasa-Ama at ang Ama'y sumasaakin?
Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang
aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain.
Maniwala kayo sa akin: ako'y sumasa-Ama at ang Ama'y sumasa-akin. Kung ayaw
ninyong maniwala sa sinasabi ko maniwala kayo dahil sa mga gawang
ito.
Sinasabi
ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng ginagawa ko at higit pa
rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hingin ninyo sa Ama sa aking
pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.
Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko."
No comments:
Post a Comment