Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Judio: "Tandaan ninyo: ang namumuhay ayon sa aking aral, kailanma'y di makararanas ng kamatayan." Sinabi ng mga Judio, "Ngayo'y natitiyak naming inaalihan ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham, at ang mga propeta, pero sinasabi mong hindi mamamatay kahit kailan ang sinumang namumuhay ayon sa iyong aral. Dakila ka pa ba kaysa aming amang si Abraham? Siya'y namatay, gayon din ang mga propeta. Ano ba ang akala mo sa sarili mo?"
Sumagot si Jesus, "Kung ako ang nagpaparangal sa aking sarili, iya'y walang kabuluhan. Ang aking Ama ang nagpaparangal sa akin at sinasabi ninyong siya ang inyong Diyos. Hindi ninyo sila nakikilala, ngunit siya'y nakikilala ko. Kung sabihin kong hindi ko siya nakikilala, ako'y magigng sinungaling tulad ninyo. Subalit nakikilala ko siya at ginagawa ko ang kanyang sinasabi.
Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya'y nagalak." Dahil dito'y sinabi sa kanya ng mga Judio, "Wala ka pang limampung taon, at nakita mo na si Abraham?" Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: bago ipanganak si Abraham 'Ako'y Ako Na'. Dumampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.
No comments:
Post a Comment