Saturday, March 30, 2024

Ang Mabuting Balita, Abril 1 Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay: Mateo 28:8-15


Mabuting Balita: Mateo 28:8-15
Noong panahong iyon, dali-daling umalis ang mga babae sa libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.  

Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus, "Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!" 

Pagkaalis ng mga babae, pumunta naman sa lunsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan at ibinalita sa mga punong saserdote ang lahat ng nangyari. Nagtipun-tipon ang mga ito at matapos makipagpulong sa mga matatanda ng bayan, sinuhulan ng malaki ang mga kawal. 

At inutusan sila na ganito ang ipamalita, "Samantalang natutulog kami kagabi, naparito ang kanyang mga alagad at ninakaw ang bangkay." Sinabi pa nila, "Huwag kayong mag-alaala, makarating man ito sa gobernador. Kami ang bahala!" Tinanggap ng mga bantay ang salapi at ginawa ang bilin sa kanila. Hanggang ngayon, ito pa rin ang sabi-sabi ng mga Judio.

No comments: