Sunday, February 11, 2024

Ang Mabuting Balita Pebrero 12, Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon: Marcos 8:11-13


Mabuting Balita: Marcos 8:11-13
Noong panahong iyon, may dumating na mga Pariseo at nakipagtalo kay Hesus. Ibig nilang masila siya kaya hiningi nila na magpakita si hesus ng isang tanda mula sa langit.  

Napabuntong-hininga nang malalim si Hesus at ang wika, “Bakit naghahanap ng tanda ang lahing ito? Sinasabi ko sa inyo: hindi sila pagpapakitaan ng anumang tanda.” Iniwan niya sila, at pagkasakay sa bangka ay tumawid sa ibayo. 

No comments: