Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya'y
nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng
may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang
kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang
isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo.
Pinapunta ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang
ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang
anak na lalaki. 'Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili. Ngunit ng
makita ng mga kasama ang anak, sila'y nag-usap-usap: 'Ito ang tagapagmana.
Halikayo! Patayin natin ng mapasaatin ang kanyang mamanahin.' Kaya't siya'y
sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
"Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa
mga kasamang iyon?" sumagot sila, "Lilipulin niya ang mga buhong na
iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng
kaparte sa panahon ng pamimitas." Tinanong sila ni Jesus, "Hindi pa
ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
'Ang
batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong
panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hanga!' Kaya nga sinasabi
ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang
maglilingkod sa kanya ng tapat. Narinig ng mga punong saserdote at ng mga
Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan
niya. Darakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala
ng mga ito na propeta si Jesus.
No comments:
Post a Comment