Noong panahong iyon, si Jesus at
nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng
Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga, nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya
at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong
ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan?
Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina
Santiago,Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae,
hindi ba?" At siya'y ayaw nilang kilanlin. Kaya't sinabi ni Jesus sa
kanila, "Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga
kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay."
Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid upang magturo.
No comments:
Post a Comment