Thursday, December 14, 2023

Ang Mabuting Balita Huwebes Disyembre 14, San Juan de la Cruz, pari at pantas ng Simbahan (Paggunita): Mateo 11:11-15


Mabuting Balita: Mateo 11:11-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa sa kanya. 

Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay makinig!” 

No comments: