Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng
sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung
hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo? "Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang
panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.
Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan." Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Jesus, sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya't sinabi niya sa kanila, "Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos."
No comments:
Post a Comment