Wednesday, November 1, 2023

Ang Mabuting Balita Nobyembre 3, Biyernes sa Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:1-6


Mabuting Balita: Lucas 14:1-6
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Jesus ang isang taong namamanas. 

Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, "Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?" Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, "Kung kayo'y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?" At hindi sila nakasagot sa tanong na ito.  

No comments: