Monday, November 20, 2023

Ang Mabuting Balita Nobyembre 23, Huwebes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 19:41-44


Mabuting Balita: Lucas 19:41-44
Noong panahong iyon, nang malapit na siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod, ito'y kanyang tinangisan. Sinabi niya, "Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin.

Sapagkat darating ang araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato'y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka."

No comments: