Tuesday, November 14, 2023

Ang Mabuting Balita Nobyembre 16, Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:20-25


Mabuting Balita: Lucas 17:20-25
Noong panhong iyon, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, "Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. at wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo'y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya." 

At sinabi niya sa mga alagad, "Darating ang panahong hahangarin ninyong ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. at may magsasabi sa inyo, "Naroon siya! o, 'Narini siya!' Huwag kayong pumunta upang siya'y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao'y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon."

 

No comments: