Kaya't
patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si
Jesus na magdaraan doon. Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya'y tumingala at
sinabi sa kanya, "Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy
sa bahay mo." Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si
Jesus.
Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. "Nakikituloy siya sa isang makasalanan," wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, "Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako'y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya." At sinabi sa kanya ni Jesus, "Ang kaligtasa'y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.
No comments:
Post a Comment