Wednesday, October 25, 2023

Ang Mabuting Balita Oktubre 26, Huwebes ng Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:49-53


Mabuting Balita: Lucas 12:49-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa -- at sana'y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga't hindi natutupad ito! Akala ba ninyo'y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? 

Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkabaha-bahagi. Mula ngayon, ang lima katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayon din ang biyenang babae, at manugang na babae."

No comments: