Thursday, October 19, 2023

Ang Mabuting Balita Oktubre 23, Lunes ng Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:13-21


Mabuting Balita: Lucas 12:13-21
Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroon, "Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana." Sumagot siya, "Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?" At sinabi niya sa kanilang lahat: "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.

" At pagkatapos ay isinaysay ni Jesus ang talinghaggang ito: Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya't sinabi niya sa sarili, 'Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! marami na akong ari-arian! 

Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya't mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!' Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, 'Hangal! Sa gabing ito'y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?' Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos."

No comments: