Monday, October 16, 2023

Ang Mabuting Balita Oktubre 20, Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:1-7


Mabuting Balita: Lucas 12:1-7
Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupa't nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Jesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo-- ito'y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan." 

"Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan! 

"Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya."

No comments: