Tuesday, September 26, 2023

Ang Mabuting Balita Sabado Setyembre 30, San Geronimo, pari at pantas ng Simbahan (Paggunita): Lucas 9: 43b-45


Mabuting Balita: Lucas 9:43b-45
Noong panahong iyon, samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” 

Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon.


No comments: