Wednesday, August 09, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Agosto 13, Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 14:22-33


Mabuting Balita: Mateo 14:22-33
Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. 

At nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. "Multo!" sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot; si Jesus ito!" at nagsalita si Pedro, "Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig." 

Sumagot siya, "Halika." Kaya't lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Jesus. Ngunit ng mapansin niya ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. "Sagipin ninyo ako, Panginoon!" sigaw niya. Agad siyang inabot ni Jesus. "Napakaliit ng iyong pananalig!" sabi niya kay Pedro. Bakit ka nag-alinlangan?" Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. "Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!" sabi nila.

No comments: