Tuesday, August 29, 2023

Ang Mabuting Balita para Agosto 30, Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 23:27-32


Mabuting Balita: Mateo 23:27-32
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punong-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan." 

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, 'Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.' Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo'y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!

No comments: