Wednesday, August 16, 2023

Ang Mabuting Balita Agosto 18, Biyernes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 19:3-12


Mabuting Balita: Mateo 19:3-12
Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: "Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?" Sumagot si Jesus, "Hindi ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, 'Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging iisa.   

kaya't hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." Tinanong siya ng mga Pariseo, "Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?" Sumagot si Jesus, "Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa.   

Subalit hindi gayon sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin." Sinabi ng mga alagad, "Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa." Sumagot si Jesus, "Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi iyon lamang pinagkalooban ng Diyos.   

Sapagkat may iba't-ibang dahilan kung bakit may lalaking hindi makapag-asawa; ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito." 

No comments: