Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-uusapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon sa simbahan.
At kung hindi
pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang isang Hentil o isang
publikano." "Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay
ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa
langit."
"Sinasabi
ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi
ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang
nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin,
naroon akong kasama nila."
No comments:
Post a Comment