Sunday, July 30, 2023

Ang Mabuting Balita Lunes Hulyo 31, San Ignacio de Loyola (Paggunita) : Mateo 13:31-35


Mabuting Balita: Mateo 13-31-35
Isa pa namang talinghaga ang inilahad ni Jesus sa kanila. "Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. 

Ito'y nagiging punongkahoy anupa't napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito."  Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. "Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa." 

Sinabi ni Jesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng talinghaga at wala silang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta: "Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula nang likhain ang sanlibutan."

 

No comments: