Noong
panahong iyon, sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy
sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang
isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano
kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, lakasan
mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan."
Isinaloob ng ilang eskribang naroon, "Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos." Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, "Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba ang mas madali: ang sabihing, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka at lumakad'?
Patutunayan
ko na dito sa lupa ang Anak ng Tao'y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan."
At sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at
umuwi ka." Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito nang mga tao,
sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga
tao.
No comments:
Post a Comment