Saturday, July 22, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 24, Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 12:38-42


Mabuting Balita: Mateo 12:38-42
Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Jesus, "Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?" Sumagot si Jesus, "Lahing masasama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas.   

Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayon din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing nasa ilalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito'y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!

No comments: