Tuesday, July 18, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 19, Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 11:25-27


Mabuting Balita: Mateo 11:25-27
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus, "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata.   

Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. "Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak."

 

No comments: