Monday, July 17, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 18, Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 11:20-24


Mabuting Balita: Mateo 11:20-24
Noong panahong iyon, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan. "Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka Betsaida!Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila'y nagsisisi.  

Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong maging mataas kaysa langit? Ibabagsak ka sa Hades! 

Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana'y nananatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma."

No comments: