Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya -- gaya ng kanyang ama -- ngunit sinabi ng kanyang ina, "Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya." "Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan," wika nila.
Kaya't hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: "Juan ang kanyang Pangalan." At namangha silang lahat. Pagdaka'y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos.
Natakot ang kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan
sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat
ng nakaalam at ang kanilang tanong: "Magiging ano nga kaya ang batang
ito?" Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon. Lumaki ang bata at
naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y tumira sa ilang hanggang sa araw na
magpakilala siya sa Israel.
No comments:
Post a Comment