Ngunit
si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating
si Jesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang
Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako naniniwala hangga't di ko
nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang
aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang
tagiliran."
Makalipas
ang walong araw, muling nagkatipon sa bahay ang mga alagad; kasama nila si
Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa gitna
nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas,
"Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong mga daliri.
Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang magalinlangan,
maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!"
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?
Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
No comments:
Post a Comment