Wednesday, May 24, 2023

Ang Mabuting Balita sa Mayo 25, Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 17:20-26


Mabuting Balita: Juan
17:20-26
Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. 

Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila'y maging ganap na isa, gaya nating iisa; ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayon, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila'y inibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin."

"Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga binigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita, at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama'y sumakanila."

No comments: