Inalagaan ko sila at ni isa'y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan.
Hindi ko idinadalanging alisin mo sila
sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan,
tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan;
ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon
din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila'y itinalaga
ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng
katotohanan."
No comments:
Post a Comment