Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad: "Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohan, ang
paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang
magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin,
sapagkat sa pasimula pa'y kasama ko na kayo.
"Sinasabi ko ito sa inyo upang
huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga
sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang
naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako
nakikilala ni ang Ama. Ito'y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na
gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo."
No comments:
Post a Comment