Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad: "Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman,
iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig; Kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang
mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
"Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay
na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong
kagalakan."
No comments:
Post a Comment