Taglamig na
noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng
templo. Naglalakad si Jesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya
ng mga Judio at sinabi sa kanya, "Hanggang kailan mo kami
pag-aalinlanganin?
Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo na nang tiyakan." Sumagot si Jesus, "Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.
Nakikinig sa
akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.
Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y hindi sila
mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa
kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maaagaw ninuman sa
aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa."
No comments:
Post a Comment