Thursday, May 25, 2023

Ang Mabuting Balita sa Biyernes Mayo 26, San Felipe Neri, pari (Paggunita): Juan 21:15-19


Mabuting Balita: Juan
21:15-19
Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?" "Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo," tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Pakanin mo ang aking mga batang tupa." 

Muli siyang tinanong ni Jesus, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Sumagot si Pedro, "Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo." Ani Jesus, "Pangalagaan mo ang aking mga tupa." Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Nalungkot si Pedro sapagkat makaitlo siyang tinanong: "Iniibig mo ba ako?" At sumagot siya, "Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo." 

Sinabi sa kanya ni Jesus, "Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig." Sinabi niya ito upang ipakilala kung papaano mamamatay si Pedro at sa gayo'y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin!"

No comments: