Noong
panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila,
"Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting
Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi
sumampalataya ay parurusahan.
Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila'y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga may sakit na mapatungan ng kanilang kamay."
Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.
No comments:
Post a Comment