Kinabukasan,
nakita ng mga taong nanatili sa ibayo ng lawa na naroon pa ang isang bangka.
Alam nilang si Hesus ay hindi kasama ng mga alagad, sapagkat ang mga ito lamang
ang sumakay sa bangka at umalis. Dumating naman ang ilang bangkang galing sa
Tiberias at sumadsad sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos
magpasalamat sa Panginoon. Nang makita ng mga tao na wala na roon si Hesus, ni
ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa
Capernaum upang hanapin si Hesus.
Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, “Rabi, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Ibibigay ito
sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos
Ama.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming
maganap ang kalooban ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig
kayo sa sinugo niya,” tugon ni Hesus.
No comments:
Post a Comment