Friday, April 21, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 24, Lunes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 6:22-29


Mabuting Balita: Juan 6:22-29
Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa ibayo ng lawa na naroon pa ang isang bangka. Alam nilang si Hesus ay hindi kasama ng mga alagad, sapagkat ang mga ito lamang ang sumakay sa bangka at umalis. Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at sumadsad sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat sa Panginoon. Nang makita ng mga tao na wala na roon si Hesus, ni ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Hesus.  

Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, “Rabi, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.  

Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya,” tugon ni Hesus.

No comments: