Nang
nagtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa, sumakay sa
bangka, patawid sa Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. Lumakas ang hangin
at lumaki ang alon. Nang makagaod sila nang lima o anim na kilometro, nakita
nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig, palapit sa bangka.
At sila'y natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot, ako ito!" Tuwang tuwa nilang pinasakay si Jesus sa bangka; at pagdaka'y sumadsad ang kanilang bangka sa kanilang patutunguhan.
No comments:
Post a Comment