Gayon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu." "Paano pong mangyayari ito?" tanong ni Nicodemo. Sumagot si Jesus, "Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
Kung hindi
ninyo paniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito,
paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko'y tungkol sa mga bagay sa langit?
Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit -- ang Anak ng
Tao."
"At kung
paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayon din naman, kailangang
itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon
ng buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment