Sunday, April 16, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 18, Martes sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 3:7b-15


Mabuting Balita: Juan 3:7b-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, 'Lahat ay kailangang ipanganak na muli.' Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. 

Gayon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu." "Paano pong mangyayari ito?" tanong ni Nicodemo. Sumagot si Jesus, "Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. 

Kung hindi ninyo paniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko'y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit -- ang Anak ng Tao."

"At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayon din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

No comments: