Noong
panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa sinagoga. Nagtaka
ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong
ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng
karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon,
at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki?
At dito
nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang
lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila,
“Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling sambahayan.”
At dahil sa di nila pagsampalataya hindi siya gumawa roon ng maraming
kababalaghan.
No comments:
Post a Comment