Sunday, April 30, 2023

Ang Mabuting Balita para Mayo 1, Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Mateo 13:54-58


Mabuting Balita: Mateo 13:54-58
Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki?  

At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.

No comments: