Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro. At sumigaw siya: 'Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.'
Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro'y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo'y inaaliw siya rito, samantalang ikaw'y nama'y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.' At sinabi ng mayaman, 'Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako'y may limang kapatid na lalaki.
Paparoonin
nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng
pagdurusa.' Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Nasa kanila ang mga sinulat ni
Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.' 'Hindi po sapat ang mga
iyon,' tugon niya, 'Ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling
nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.' Sinabi sa kanya ni
Abraham, 'Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga
propeta, hindi rin nila paniniwalaan ang isang patay na muling nabuhay.'"
No comments:
Post a Comment