Noong
panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng
kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat
hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya
sa mga ito, “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at
makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta
nga sa isang ilang na dako.
Ngunit
maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya’t mula sa lahat
ng bayan, ang mga tao’y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at
nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang
napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang
pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.
No comments:
Post a Comment